Ako si Nathan, 29 years old, bagong kasal sa asawang si Ella, 27. Isang taon na kaming kasal ng magdecide kami na sa Baguio na manirahan. Taga run ang pamilya ni Ella kaya naman tuwang tuwa ang mga magulang nya ng balitaan namin sila sa paglipat namin.
Nangungupahan kaming mag asawa sa isang one-bedroom condo unit sa Taguig.
Sa isang BPO company sa BGC ako nagtatrabaho at isang nurse namang ang aking asawa.
Madali naman kaming nakakita ng lilipatang trabaho sa Baguio. May nakuha din kaming lilipatang tirahan na malapit lang sa bahay nina Ella.