Higit isang linggo na din matapos ung tagpong un sa mall nang makita ako ni Aries na kasama si Cortes. Medyo magulo pa din ang mga nangyari. Hindi ko alam ano ang mga pinag usapan nila. Hindi na kami tumuloy ni Cortes na kumain.
Pagbalik sa sasakyan, lito pa din ako ng kunin ni Cortes ang bag nya at nagpa alam na uuwi na lang daw sya at magcocommute. Kahit hindi ko alam ang nangyayari, hindi na ako nagtanong kung bakit. Hindi na lang ako kumibo at dali dali na syang umalis.