Lumipas naman ang mga taon pero wala na ulit ganong pangyayari. Nanatili pa din kaming malapit sa isa't isa. Hanggang sa matapos na kami ng college at pareho na kaming nakapag hanap ng trabaho. Lumipat kami ng tirahan papuntang Makati para mas malapit sa mga trabaho namin.
Ganon pa din sya, madami pa din nagiging girlfriend. Ako naman, ayun, single pa din. May mga oras nga na pag nag kwentuhan kaming dalawa, un na ung nagiging topic namin.